Alignment Meeting for programs under the Poverty, Reduction, Livelihood, and Employment Cluster (PRLEC)
Pinangunahan ng TESDA Bulacan Provincial Office ang Alignment Meeting bilang paunang pagpupulong para sa mga programang ilulunsad sa ilalim ng Poverty, Reduction, Livelihood, and Employment Cluster (PRLEC). Dalawang alignment meeting na ang naisagawa noong Mayo 18 at 24, 2023 sa TESDA PO Multi-purpose Hall.
Kabilang sa napag-usapan sa nasabing pagtitipon noong Mayo 18 ay ang planong pagsasagawa ng community survey o scanning kasama ang lokal na PNP, at mga barangay officials upang alamin kung anong mga angkop na training ang gustong mapag-aralan ng mga residente ng Brgy. Guinhawa at San Gabriel sa Malolos, Bulacan.
Ganoon din ang napag-usapan sa alignment meeting noong Mayo 24. Para sa karagdagan, magbibigay din ang PNP ng training para sa mga residente ng Brgy. Poblacion sa Guiguinto, Bulacan.
Ginawa ang nasabing pagtitipon alinsunod sa PRLEC upang magbigay ng daan ng pagkaroon ng pangkabuhayan ang mga residente ng mga nasabing barangay upang mas masigurado ang patuloy na pag-unlad at kapayapaan sa Barangay Guinhawa, at San Gabriel sa Malolos, Bulacan at Poblacion sa Guiguinto, Bulacan, at nakabilang sa mga “identified list of cleared barangays from communist-terrororist groups.”
Dumating sa nasabing Alignment Meeting ang mga kinatawan ng LGU-Malolos na sina Engr. Reynaldo Garcia, at Cherry Mendoza, kinatawan mula sa PNP na sina PCPI Kevin Vivoa at Manuel Sipcon, at opisyal mula sa Barangay Guinhawa na sina Ms. Rosemarie Bartolo at Mr. Paul Richard Concepcion, mga Brgy. Kagawad ng Guinhawa.
Dumating din ang mga nasabing kinatawan ng LGU-Guiguinto na si Ms. Emelita San Agustin, kinatawan mula sa PNP na sina PEMS Santiago Estrella, NISP Marilou Otcharan, at PCPI Al-omar Aradani, at opisyal mula sa Brgy. Poblacion, Guiguinto, Bulacan na si Ms. Grace Merana, representative ng Punong Barangay ng Brgy. Poblacion.