Business Innovation Center para sa Baking and Pastry Production at Barista inilunsad
News Release
Public Information Unit
TESDA
August 24, 2018
Business Innovation Center para sa Baking and Pastry Production at Barista inilunsad
Pormal nang inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Women’s Center (TWC) ang itinayong Innovation Center (IC) for Baking & Pastry Production and Barista na magiging lugar para sa skills training at mga entrepreneurial activities ng mga trainees at graduates ng Bread & Pastry Production NC ll at Barista NC ll.
Ang paglulunsad ng proyekto ay isinabay sa paglalagda ng isang memorandum of agreement (MOA) para sa partnership sa pagitan ng TESDA, PILMICO Foods Corporation(PFC) at Aboitiz Foundation, Inc. (AFI) nitong Agosto 24, 2018 para sa pagpapatupad ng naturang proyekto.
Si Director General/Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong, ang lumagda sa panig ng TESDA ahensya, sa PFC, si Santanina Apolinario B. Castro, VP for Corporate ang Business Development at sa panig naman ng AFI ay si Maribeth L. Marasigan, First VP and Chief Operating Officer.
Si Tristan R. Aboitiz, Vice President at COO for Sales at Head of Risk & Commodity, ng PILMICO Food Corp., isa sa mga guest speaker ay nagbigay ng mensahe tungkol sa korporasyon.
Ang Innovation Center para sa Bread and Pastry Production NC ll ay pinangalanang “Wooden Spoon”, samantalang sa Barista NC ll naman ay pinangalanang “Café Juana”.
Ang “Wooden Spoon” (sandok) ay flagship brand ng PILMICO, ang pangunahing gamit sa baking at paraan din ito upang bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan sa pamamagitan ng kaalaman at kasanayan na natutunan sa proper training, resources at oportunidad.
Ang buong halaga ng proyekto ay umaabot sa P7,746,799.00 na ginamit sa pagpapaayos ng gusali, pagbili ng mga tools, equipments, furniture, training laboratory at iba’t ibang suplay para sa coffee shop at baking production. Sa kabuuang halaga, P788,848 ang gagastusin ng TWC at ang natitirang halaga ay sa PFC at AFI.
Ang Innovation Center (IC) ay magiging lugar para sa makatotohanang pag-aaral ng mga trainees sa Bread and Pastry Production NC ll at Barista NC ll kung saan aktuwal naipapagagawa ang itinuturong kasanayan sa loob ng center. Ito ay magbibigay ng mga ‘real-life learning experience’ para sa mga trainees, lalo na’t sila’ ang mamahala sa bakeshop at coffee shop habang ang TWC at PILMICO ang siyang magtuturo at gagabay sa mga estudyante.
Ito ay magsisilbing “one-stop training center’ kung saan lahat ng mga mahahalagang pasilidad at kagamitan para sa baking & pastry production (BPP) gaya ng lecture rooms, kitchen laboratories at cafeteria at iba pang support services ay makikita sa iisang lugar na pagsasanayan ng mga future entrepreneurs at may nakalaang puwesto para sa anumang itayong negosyo, partikular may kinalaman sa industriya ng pagkain.
“The project will provide business opportunities to graduates through a supportive environment such as provision of facilities, mentoring and coaching, training, networking and seed capital financing that will help them establish their start-up business,” paliwanag ni Mamodiong kaugnay sa layunin ng proyekto.
Ang mga graduates ng programa ay inaasahang gagamitin ang kanilang natutunang skills sa pamamagitan nang pagpapatayo ng kanilang mga maliit na bakeries o negosyo at kung magtagumpay ay lilikha sila ng trabaho para sa mga low-income o walang trabahong mga indibidwal.
Ang ilang graduates naman na walang kapital para sa pagpapatayo ng negosyo ay maaring kukuning empleyado sa IC.
Ang unang batch, lalo na ang mga walang kakayahang mamuhunan ay maaring bumuo ng grupo at magparehistro bilang kooperatiba at sila ang magpapatakbo at mag-o-operate ng negosyo sa loob ng IC sa loob ng mapagkakasunduang panahon. (End)
News Release
Public Information Unit
TESDA
August 24, 2018
Business Innovation Center for Baking and Pastry Production, Barista launched
The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Women’s Center (TWC) has launched the Innovation Center (IC) for Baking and Pastry Production and Barista which will serve as venue for skills training and entrepreneurial activities for trainees and graduates of Bread and Pastry Production NC ll and Barista NC ll.
The opening of the IC coincided with the signing of the memorandum of agreement (MOA) for the partnership among TESDA, PILMICO Foods Corporation(PFC), and Aboitiz Foundation, Inc. (AFI) on August 24, 2018.
TESDA Director General/Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong represented the agency; Santanina Apolinario B. Castro, VP for Corporate and Business Development of PFC; and Maribeth L. Marasigan, First VP and Chief Operating Officer of AFI.
Tristan R. Aboitiz, Vice President and COO for Sales and Head of Risk & Commodity, PILMICO Food Corp., was one of the guest speakers during the event.
The Innovation Center for Bread and Pastry Production NC lI has been named “Wooden Spoon” while Barista NC ll is called “Café Juana”.
The “Wooden Spoon” (sandok) is a flagship brand of PILMICO, the leading brand in baking which will also provide opportunities through proper training, and resources.
A total of P7,746,799.00 has been earmarked for the project which involves renovation of the building, purchase of tools, equipment, furniture, training laboratory and other supplies for coffee shop and baking production. Thus, the TWC will allot a budget of P788,848 while the remaining amount will be shouldered by PFC and AFI.
The IC will serve as venue for trainees of Bread and Pastry Production NC ll, and Barista NC ll training programs, where real-life experiences of owning and operating a bakeshop or coffee shop will be simulated, while the TWC and PILMICO will teach and guide the students.
This will also serve as a “one-stop training center” with all the essential facilities for baking and pastry production (BPP), such as lecture rooms, kitchen laboratories and cafeteria, and support services for future entrepreneurs on food and bakeshop.
“The project will provide business opportunities to graduates through-supportive environment such as provision of facilities, mentoring and coaching, training, networking and seed capital financing that will help them establish their start-up business,” says Mamondiong regarding the project.
Graduates of the program are expected to use their skills and knowledge on their own business while others will be hired as employees of IC. On the other hand, those who have no business capital may form a group and register as a cooperative so that they can start their own business venture.