Issue ng ghost scholars 2015 pa nangyari, bago kay Mamondiong

News Release

Public Information Unit

TESDA

August 23, 2018

 

Issue ng ghost scholars 2015 pa nangyari, bago kay Mamondiong

Nilinaw ng pamunuan ng Technical Education and  Skills Development Authority  (TESDA)  na hindi nangyari sa kasalukuyang administrasyon ang napaulat na doubtful scholars o ghost scholars na umano’y  pinondohan ng ahensya.

Ang paglilinaw ay ginawa ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong kaugnay sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) na ang TESDA ay nagbayad ng P9.3 milyon para sa JAVA training at Software Development NC IV para sa 310 scholar at P1.47 milyon para sanayin ang 270 scholar sa kursong Barista NC ll at Bartending NC ll sa kabila na  ang eskuwelahan at listahan ng mga trainees ay hindi nag-e-exist.

Pinangalanan ng COA ang Ama Computer College (AMACC) Manila Campus   at Tech-nivoc Institute Corporation (TIC) na kabilang sa mga eskuwelahan na nadiskubreng may iregularidad.

“Ito ay nangyari noong 2015 at nadiskubre noong 2016.  Ang pera ay naibalik na sa National Treasury,” pahayag ni Mamondiong.

Inamin ni Mamondiong na may mga ghost scholars at training schools na patunay umano sa ginawang pagsasauli ng pera ng AMACC, Sta. Mesa Campus.

Gayunpaman, sinabi ni Mamondiong na gumagawa na sila ng mga kaukulang hakbang  para maiwasan ang anumang katiwalian at kurapsiyon sa ahensya.

Aniya, bago pa siya maupo bilang bagong TESDA chief  noong 2016 ay may naririnig na ito tungkol sa mga nagaganap na katiwalian sa ahensya gaya ng mga  ghost scholars at training centers sa buong bansa.

Kaya nang maupo  siya bilang bagong TESDA chief, agad  niyang binuo ang Technical Audit Team na naglibot sa 4,283 schools sa buong bansa  na may registered programs sa TESDA  upang masiguro na ang mga ito ay sumusunod sa regulasyon ng TESDA at para na rin masuri kung may sapat silang kagamitan para sa pagpapatakbo ng mga technical-vocational (tech-voc) training programs. Ayon sa resulta ng isinagawang national technical audit at inspection, 175 na training centers at 6,273 na programa ang ipinasara

Kausunod nito, binuo rin  ang National Inspectorate for  Scholarship Program (NISP) na siyang magsagawa nang national inspection at spot checks sa lahat ng training centers  sa buong bansa na binigyan ng  scholarship slots ng TESDA upang siguraduhin na walang nag- e-exist na ghost scholars  at  talagang nagsasagawa ng aktuwal na pagsasanay ang mga eskuwelahan.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na nito ang resulta  ng mga isinagawang inspection at inaasahang ilalabas nito sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito, sinabi ni Mamondiong na noong August 30, 2017 ay idineklara nito sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na corruption free’ ang ahensya.

Nag-alok din umano siya ng P50,000 pabuya sa sinumang mag rereport sa kanya kaugnay sa nagaganap na katiwalian  sa ahensya na hanggang ngayon ay nag-aantay pa ng magsusumite ng report tungkol sa katiwalian na may sapat na ebidensiya .

Ang inspeksyon ay isinagawa  simula 2017 hanggang Pebrero 2018.

Ipinagtanggol naman nito ang nakaraang administrasyon, sa pagsasabi na hindi sistema o kultura sa loob ng TESDA ang nangyaring katiwalian, kundi nagkataon lamang ito. (END)

 

News Release

Public Information Unit

TESDA

August 23, 2018

 

COA report on ghost scholar happened in 2015, before Mamondiong

The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) has clarified that issues involving doubtful and fictitious scholarship beneficiaries did not occur during the present administration.

The statement was issued by TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong as a response to a COA audit report which found that TESDA paid P9.3 million for JAVA and Software Development NC IV training for 310 scholars and P1.47 million for 270 scholars enrolled in Barista NC ll and Bartending NC ll courses in allegedly non-existent schools.

COA identified Ama Computer College (AMACC) Manila Campus and Technivoc Institute Corporation (TIC) as among those campuses with alleged irregularities.

“It happened in 2015 and it was only discovered in 2016. The money has been refunded and deposited to the Bureau of Treasury,” Mamondiong said.

Mamondiong also said that the agency has taken steps to prevent corruption and other irregularities in the future.

Before he became head of TESDA in 2016, Mamondiong admits that he already heard of these alleged irregularities in the agency involving ghost scholars in training centers nationwide.

When Mamondiong was appointed TESDA chief, he immediately created a Technical Audit Team that visited the 4,283 schools nationwide with registered programs under TESDA to inspect if they were operating based on the rules and regulations set by the agency. The same team also verified if the schools have the capacity in terms of equipment and trainers to conduct technical-vocational (tech-voc) training programs. As a result of National Technical Audit and inspection, 175 training centers and 6,273 programs were closed.

TESDA also created the National Inspectorate for Scholarship Program (NISP) which conducted inspection and spot checks in all technical vocational institutions in the country that are implementing scholarship programs of the agency to ensure that there are no ghost scholars. The agency is now looking into the results of the in inspection and it will be released soon.

On August 30, 2017, TESDA declared to Rodrigo Duterte the agency is corruption-free.

In 2017, the TESDA chief conducted public consultations in all regions and provinces and announced a Php 50,000 reward for anyone who could provide any information regarding illicit activities and irregularities involving the agency.

“To this date, nobody has come forth with any substantiated complaints regarding this matter,” Mamondiong

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *