Mamondiong: TESDA handang-handa na sa libreng assessment

News Release

Public Information Unit

TESDA

June 13, 2018

 

Mamondiong: TESDA handang-handa na sa libreng assessment

Handang-handa na ang may 1,753 accredited assessment centers ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagbibigay ng libreng 2 araw na national assessment  sa darating na  June 26-27, 2018 sa lahat ng accredited assessment centers sa buong bansa.

Ayon kay  TESDA Director General Guiling “Gene” Mamodiong, sa kasalukuyan ay abalang-abala na ang mga Regional/Provincial Offices (ROs/POs) sa pagpapatupad ng  iba’t ibang  action plans  upang  matiyak na magiging matagumpay ang idaraos na 2-day National Assessment Day (NAD).

Kabilang dito ang pagpapakalat ng mga impormasyon sa pamamagitan ng press release, radio guesting, social media posting; pakikipagkoordinasyon sa mga accredited assessment centers at accredited competency assessors; at patuloy na pagtanggap ng mga aplikasyon.

Kasama din ang pagsabit ng mga tarpaulins, pakikipag-ugnayan sa mga LGUs, ahensya/kompanya; paghahanda at pagsusumite ng qualification maps (QMs) sa RO/PO; at marami pang iba.

Ayon sa opisyal,  may  7,083  competency assessors  ang nakahandang mag-a-assess para sa tinatayang 11,240 TVET graduates at  mga manggagawa  gaya ng mga industrial worker, career shifter, unemployed adult, guro, trainer at iba pang indibidwal na sumailalim sa pagsasanay sa Trainers Methodology (TM) l at sa mga interesadong  maging  certified TVET Trainers o TESDA Accredited Assessors,  na  inaasahang dadagsa  sa iba’t ibang TESDA accredited assessment centers  sa buong Pilipinas.

Aniya, target ng TESDA ay makapag-assess at makapag-certify sa unang araw ng 5,513, habang 5,620 sa pangalawang araw o kabuuang bilang na 11,240 sa loob ng dalawang araw.

Sinabi ni Mamodiong na ayon sa tala ng TESDA, kasalukuyang mayroong 1,753 accredited assessment centers sa buong bansa at 8,481 registered qualifications na bukas para sa assessment.

Ang TESDA ay naglaan ng   P11,240,000.00  para sa 2-araw na gaganaping  NAD.

Ang programa ay pagsuporta sa Build, Build, Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan bibigyan ng prayoridad ang mga qualifications sa ilalim ng Construction sector, pero bukas din ito sa mahigit 200 qualifications o kurso na iniaalok ng TESDA sa ilalim ng sektor ng agri-fishery, information and communication technology (ICT), health, social and other community services, tourism, automotive at marami pang iba.

Ang registration ay nagsimula nitong Mayo 21 hanggang Hunyo 15 na isinasagawa sa lahat ng mga accredited assessment centers pati nadin sa TESDA regional at provincial/district offices sa pakikipagtulungan sa mga kompanya at industriya, LGUs, national government agencies, national government at iba pang TVET stakeholders.

Ang mga aplikante ay maaring kumuha at mag-download ng Application Form at Self-Assessment Guide (SAG) sa https://qoo.ql/sluc7c at http://www.tesda.gov.ph/Download/Self_Assessment?Searchcat=Self-Assessment+Guides. Ang nasabing mga dokumento ay maari ring makuha sa mga Provincial Offices (POs) at accredited assessment centers para sa mga walk-in at mga interesadong aplikante.

Ang application form, SAG,  3 passport size pictures, colored, na may puting background na may nakasulat na  pangalan sa likod (Mugshot para sa NCR),  at  iba pang requirements, ay maaring isumite  ng mga  candidate-applicant  sa  mga accredited assessment centers at TESDA ROs o POs na pinakamalapit sa kanilang lugar.

Muling nanawagan si Mamodiong sa mga TVET graduates at sa mga mangagawa na samantalahin ang 2-araw na libreng assessment at certification. (END)

 

  

News Release

Public Information Unit

TESDA

June 13, 2018

 

Mamondiong: TESDA all set for 2-day free assessment

 The 1,753 accredited assessment centers nationwide of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) are all set to give a 2-day national assessment for free on June 26-27.

TESDA Director General Guiling “Gene” Mamodiong said the Regional/Provincial Offices (ROs/POs) are busy preparing to implement the action plans to ensure the success of the 2-day National Assessment Day (NAD).

Mamondiong said that TESDA ROs/POs are occupied with disseminating information about the NAD through press release, radio guesting, social media posting; coordination with accredited assessment centers and accredited competency assessors; and continuous acceptance of application form.

Also included in the information campaign were the mounting of tarpaulins, coordination with local government units, agencies/companies; submission of qualification maps (QMs) to the RO/PO; etc.

Mamondiong said that 7,083 competency assessors will be available to give assessment to some 11,240 TVET graduates and workers including the industrial workers, career shifters, unemployed adults, teachers, trainers and others who took the Trainers Methodology (TM) l and those who are interested to become certified TVET Trainers or TESDA Accredited Assessors that is expected to participate in this activity.

TESDA said that it aims to assess and certify 11,240 persons for two days — 5,513 individuals on first day and 5,620 others on second day.

Based on the TESDA registry, there are 1,753 accredited assessment centers nationwide and 8,481 registered qualifications that are open for assessment.

Mamondiong said that TESDA has allotted P11,240,000.00 budget for the two-day NAD.

The program is also in support of the “Build, Build, Build Program” of President Rodrigo Duterte which will prioritize qualifications under the construction sector. This is also open to more than 200 qualifications or courses being offered by the agency under the sectors of agri-fishery, information and communication technology (ICT), health, social and other community services, tourism, automotive, among others.

The registration started May 21 up to June 15 in all accredited assessment centers, TESDA regional and provincial/district offices in coordination with companies, industries, LGUs, national government agencies, national government and other TVET stakeholders.

Applicants may download the Application Form at Self-Assessment Guide (SAG) at https://qoo.ql/sluc7c and http://www.tesda.gov.ph/Download/Self_Assessment?Searchcat=Self-Assessment+Guides.

Walk-in applicants may obtain the same documents in all provincial/district offices and accredited assessment centers.

The application form, SAG,  3 passport size pictures (colored) with white background and the name written on the back (mugshot for NCR), and other requirements may be submitted to all accredited assessment centers and TESDA ROs or POs nearest to their area.

Mamodiong has encouraged all TVET graduates and workers to avail of 2-day free assessment and certification.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published.