Mamondiong to loiterers: Avail of TESDA’s free skills training

News Release

Public Information Unit

TESDA

July 1, 2018

 

Mamondiong to loiterers: Avail of TESDA’s free skills training

 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong is inviting all loiterers or “tambays” to go to the nearest TESDA office and avail of the free skills training.

“Halina sa TESDA at magsanay para makapagtrabaho at makapagnegosyo,” says Mamondiong. (Visit TESDA and learn a skill so that you will have a job or a business of your own).

Mamondiong says that the invitation to loiterers is in support of the campaign of President Duterte to accost “tambays” or those loitering in the streets, especially at night, whom he believes are potential trouble in public.

Duterte has also ordered a crackdown on local ordinance violators on smoking ban, curfew, drinking in the streets, and for being shirtless.

Mamondiong said that scholarship programs are up for grabs at TESDA under the Private Education Financial Assistance (PESFA), Training for Work Scholarship Program (TWSP), Special Training for Employment Program (STEP) and Free TVET in regard to Republic Act 10931.

He also said that there are three ways to apply for the scholarship programs of the agency: Walk-In Scholarship Application, On-Line Scholarship Application and Barangay-based Scholarship Application.

Mamondiong said that TESDA has more than 200 qualifications or promulgated training programs which an applicant may choose from various industry sectors such as construction, automotive and land transportation, agriculture, information and communication technology, tourism and restaurant, processed food and beverages, garments, metals and engineering, health social and community services, etc. So far, TESDA has 3,962 private and public technical vocational education and training (TVET) centers with 15,229 registered TVET programs.

The government is also in need of some 200,000 construction workers nationwide for its “Build Build Build Infrastructure Program” which will focus on 75 major infrastructure flagship projects.

Those who are in need of jobs may enroll in construction related training programs such as Electrical Installation and Maintenance NC ll, Sheilded Metal Arc Welding (SMAW) NC ll, Carpentry NC ll, Electrical Installation and Maintenance NC lll, Gas Metal Arc Welding (GMAW) NC ll, Plumbing NC ll, Masonry NC ll, Technical Drafting NC ll, Gas Tungsten Arc Welding (GTAW) NCll and heavy equipment operation. 

 

News Release

Public Information Unit

TESDA

July 1, 2018

  

Mamondiong: Bawal ang tamad!

Inanyayahan ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong ang mga tambay na magtungo sa pinakamalapit TESDA office upang makapag-avail ng libreng skills training.

Aniya, dapat ipagbawal na sa buong bansa ang  tamad,  kaya  makakabuti sa ating mga mamayan na walang ginagawa na matuto ng bagong mga kakayahan sa TESDA  dahil libre naman  ang pag-aaral dito.

Kailangan lamang umano na magtungo sa pinakamalapit na mga TESDA accredited training centers, magtanong kung ano ang mga bukas na kurso na kanilang inaalok  at mag-aplay ng libreng training.

“Halina sa TESDA at magsanay para makapagtrabaho at makapagnegosyo,” paanyaya ni Mamondiong.

Ang paanyaya ng TESDA chief ay bilang suporta  sa  kampanya ni Pangulong  Rodrigo “Digong” Duterte kontra sa mga   nagkalat na  tambay    na naghahasik ng kaguhuluhan at nag-iinuman sa lansangan.

Nauna rito, iniutos ni Duterte sa mga  pulis na arestuhin ang mga mga tambay na nag-iinuman sa lansangan o iyong mga tambay na gumagawa ng krimen tulad pandurukot, panghoholdap at pang-i-snatch.

Aniya, sa halip na magsayang ng oras  at maging tambay  sa  mga kalye o sa bahay , mas  makakabuti  umano na  mag-enrol  na lamang  sila sa TESDA para  magsanay at matuto sa gustong kurso  na magagamit sa paghahanapbuhay , makatulong sa pamilya at maging isang produktibong mamayan.

Ipinaliwanag ng opisyal  na maraming  scholarship programs  na inaalok ang TESDA   na pwedeng pagpipilian ng   bawat   Pinoy  para magsanay na magagamit  nila sa paghahanap buhay upang umasensyo gaya ng  Private Education Financial Assistance (PESFA), Training for Work Scholarship Program (TWSP),  at Special Training for Employment Program (STEP) at Free TVET sa ilalim ng R.A 10931.

 

Aniya, may tatlong pamamaraan upang mag-aplay ng scholarship programs ng ahensya, ito ay sa pamamagitan ng Walk-In Scholarship Application, On-Line Scholarship Application at Barangay-based Scholarship Application.

Ayon kay Mamondiong, ang TESDA ay mayroong mahigit 200 qualifications o promulgated training programs na maari nilang pagpipilian  mula sa iba’t ibang industry sector  tulad  ng kontruksiyon, automotive and land transportation, agrikultura, information and communication technology, tourism and restaurant, processed food & beverages, garments, metals and engineering, health social and community services at marami pang iba.  Sa ngayon ang TESDA ay mayroong 3,962 private at public technical vocational education and training (TVET) centers na may 15,229 registered TVET programs.

Samantala, kasalukuyan din aniyang nangangailangan  ang gobyerno ng mahigit  300,000 construction workers sa buong bansa upang maisakatuparan ang Build Build Build Infrastructure Program ni  Pangulong Rodrigo  para sa 75 infrastructure  projects  na mga  flagship  projects ng kasalukuyang administration.

Maganda umanong samantalahin ito ng mga Pilipino na  walang trabaho sa pamamagitan ng pag-enroll sa iba’t ibang construction related training programs gaya ng Electrical Installation and Maintenance NC ll, Sheilded Metal Arc Welding (SMAW) NC ll, Carpentry NC ll, Electrical Installation and Maintenance NC lll, Gas Metal Arc Welding (GMAW) NC ll, Plumbing NC ll, Masonry NC ll, Technical  Drafting NC ll, Gas Tungsten Arc Welding (GTAW) NCll at heavy equipment operation. (End)

 

 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *