PRESS RELEASE April 23, 2017
PRESS RELEASE April 23, 2017
From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Ref: Public Information Unit (PIU)
Tel. No. 8313781
PEKENG ISKOLAR SA TESDA TUTULDUKAN NI MAMONDIONG
Tutuldukan na ni Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong ang pagsulpot ng mga pekeng iskolar sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagsimula pa noong mga nakalipas na administrasyon.
Kasabay nito, nagbabala din si Mamondiong sa mga Technical Vocational Institutions (TVIs) sa buong bansa na mananagot ang mga ito sakaling makipagsabwatan sa mga indibidwal na nais dungisan ang scholarship program ng TESDA.
Upang tuluyan itong matuldukan ay binuo na ni Mamondiong ang “technical audit teams” na siyang nagsagawa ng inspeksiyon sa mga equipment at facilities ng mga TVIs habang ipinatupad na din ang Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK) na siyang sumusuyod sa bawat barangay sa buong bansa para kumuha ng iskolar.
Aktibo na rin ang “inspectorate teams” na siyang umiikot sa mga TVIs sa buong bansa bukod pa sa pagkakaroon ng “Tendering System” kung saan ay magsusumite ang mga training institutions ng “bids” para makakuha ng scholarship slots sa TESDA ngunit kinakailangang nakapasa ang mga ito sa technical audit ng ahensiya.
Ayon sa kalihim, hindi makalulusot sa kanyang administrasyon ang ganitong klaseng modus operandi dahil isa itong uri ng korapsiyon na naglalagay ng dungis sa kanyang pinamamahalaang ahensiya.
Aniya, malaking pondo ng TESDA ang nawawala dahil sa pagkakaroon ng pekeng iskolar at ito ay nagaganap dahil sa pakikipagsabwatan ng TVIs sa mga indibidwal na gustong kumita ng salapi sa maruming paraan.
Sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA), noong mga nakalipas na administrasyon ay laganap ang pagkakaroon ng pekeng iskolar ng TESDA kung saan ay walang nagaganap na training session sa mga training institutions at TVIs.
Ang nakapagtataka pa dito, nakahihingi ng voucher o scholarship slot ang ilang TVIs sa TESDA sa tulong na rin ng ilang kasabwat na indibidwal ngunit hindi naman nabibigyan ng tunay na training ang mga taong inilalagay na pangalan na makatatanggap ng iskolar.
Napag-alaman pa na ang nagiging kapalit ng pakikipagsabwatan ng ilang TVIs at training institutions sa anomalyang ito ay ang pagkakaroon ng porsiyento sa mga “operators” ng nabanggit na modus operandi.
Umasa din si Mamondiong na makikipagtulungan ang lahat ng provincial at regional offices ng TESDA upang mahuli ang mga taong may kinalaman sa anomalyang ito at tuluyang mapanagot ang mga ito sa batas. ###
PRESS RELEASE April 23, 2017
From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Ref: Public Information Unit (PIU)
Tel. No. 8313781
DAYS OF FAKE SCHOLARS IN TESDA ARE NUMBERED – MAMONDIONG
It’s the end of the road for fake scholars at the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
This according to TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong who vowed to put an end to fake scholars who were admitted in the agency during previous administrations.
Mamondiong also warned Technical Vocational Institutions (TVIs) nationwide that they would be held responsible if proven that they are involved in facilitating fake scholarships in the agency.
Mamondiong has created “technical audit teams” which will check the equipment and facilities of TVIs while the Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK) scouts for scholars in every barangay.
The “inspectorate teams” have also been activated and make the rounds of TVIs nationwide apart from the “Tendering System” in which training institutions submit their “bids” so that they could avail of scholarships from TESDA after they have passed the agency’s technical audit.
Mamondiong said that his administration would not tolerate such illegal practice because it would pave the way for corruption.
The TESDA chief said that the agency also loses a big chunk of its budget due to fake scholars.
A report from the Commission on Audit (COA) showed that fake scholars are widespread in the previous administration in which there was no training session held among institutions and TVIs.
What surprised Mamondiong was that some TVIs could get a voucher or scholarship slot through cohorts inside the TESDA even without the proper training.
Reports said that cohorts who serve as “operators” also get a share of money through the anomalous transactions with TVIs and training institutions.
Mamondiong ordered the provincial and regional offices of TESDA to help arrest the suspects linked to the illegal transactions. ###