PRESS RELEASE February 19 and 22, 2017
PRESS RELEASE February 19, 2017
From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Ref: Public Information Unit (PIU)
Tel. No. 8323781
PAGSISIGARILYO BAWAL NA SA TESDA
Mahigpit nang ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob ng lahat ng tanggapan at compound ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa buong bansa kabilang na dito ang mga training institutions ng ahensiya bilang pagtugon sa direktiba ng Civil Service Commission (CSC).
Base sa tatlong pahinang TESDA Circular Number 06 series of 2017 na nilagdaan ni Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, lahat ng opisyal, empleyado, estudiyante at maging ang mga bisita ay hindi pinapayagang manigarilyo sa loob ng tanggapan naturang ahensiya sa buong bansa.
“The implementation of these guidelines shall cover officials and rank-and-file employees of the Central, Regional, Provincial Offices and the TESDA Training Institutions (RTC/PTRC and the Schools) holding plantilla positions, including personnel on Job Order basis. Visitors and guests shall likewise be covered by this policy”, nakasaad pa sanasabing TESDA Circular.
Bilang pagbibigay naman ng karapatan sa mga naninigarilyo ay naglagay ng mga lugar sa Central Office kung saan maaaring magsigarilyo habang ang mga provincial, regional offices at training institutions ay maglalagay din ng smoking area.
Kabilang sa apat na lugar na itinalaga bilang smoking area sa Central Office na matatagpuan sa Taguig City ay sa kaliwang bahagi ng TESDA Old Dormitory malapit sa multi-covered court, NCR garage sa Gate 2, PEVOTI quadrangle at sa wishing well sa Building 12.
Ipinagbabawal din sa canteen ang pagbebenta ng sigarilyo maging ang mga cigarettes vendors ay hindi rin pinapayagang makapasok sa TESDA compound habang ang mga empleyado na mahuhuling nagtitinda ay maparurusahan.
Maging sa loob ng private vehicle napapasok sa TESDA compound ay mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsisigarilyo habang ang mgaopisyal o empleyado na gagamit ng sasakyan ng ahensiya para sa kanilang official business ay hindi maaaring manigarilyo habang lulan ng sasakyan.
Ang Human Resource Management Division-Administrative Services (HRMD-AS), General Services Division-Administrative Services (GSD-AS) at Financial and Administrative Services Division (FASD) ng TESDA ang naatasan sa pagpapatupad ng naturang kautusan. ###
PRESS RELEASE February 19, 2017
From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Ref: Public Information Unit (PIU)
Tel. No. 8323781
TESDA NOW A NO-SMOKING ZONE
Effective immediately, smoking at the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) in Taguig City and its branches nationwide, including in training institutions, is not allowed anymore based on the new directive of the Civil Service Commission (CSC).
Based on the three-page TESDA Circular Number 06 series of 2017 signed by Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, all officials, employees, students and even visitors are not allowed to smoke in TESDA premises nationwide.
“The implementation of these guidelines shall cover officials and rank-and-file employees of the Central, Regional, Provincial Offices and the TESDA Training Institutions (RTC/PTRC and the Schools) holding plantilla positions, including personnel on Job Order basis. Visitors and guests shall likewise be covered by this policy,” according to the TESDA Circular.
However, the TESDA Circular said that it will designate a smoking area for the employees and visitors.
Smoking areas will be assigned in the Central Office in Taguig City, left part of TESDA’s Old Dormitory near the multi-covered court, NCR garage in Gate 2, PEVOTI quadrangle at near the wishing in Building 12.
Cafeterias are also not allowed also to sell cigars while those who will be caught smoking will be penalized.
Smoking while driving around the TESDA compound in their private vehicles are also prohibited, especially when they are on official business.
The Human Resource Management Division-Administrative Services (HRMD-AS), General Services Division-Administrative Services (GSD-AS) and the Financial and Administrative Services Division (FASD) of TESDA have been directed to enforce the new directive. ###
PRESS RELEASE February 22, 2017
From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Ref: Public Information Unit (PIU)
Tel. No. 8323781
MADRASAH GRADUATES BIBIGYAN NG TESDA NG SKILLS TRAINING
Bibigyan ng pagkakataon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga nagsipagtapos sa Madrasah Schools (Arabic Schools) na magkaroon ng skills training upang magkaroon ang mga ito ng sapat na kasanayan para sa kanilang mas maayos na kabuhayan.
Sa pakikipag-usap ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong sa mga kinatawan ng lahat ng Madrasah Schools sa bansa ay nakahanda ang naturang ahensiya na matulungan ang mga nagtapos dito upang makakuha ng technical-vocational courses na magagamit ng mga ito upang makapagtrabaho sa loob at labas ng Pilipinas.
Ayon kay Mamondiong, sa kasalukuyang ay aabot sa 400,000 graduates ng Madrasah Schools ang walang sapat na pinagkakakitaan kaya’t layunin ng proyektong ito na mabigyan ng National Certificates (NC) sa kahit anong skills training ang mga ito upang mapaganda ang kanilang kabuhayan.
“In the Madrasah school system, the students are taught mainly Arabic and Islamic studies but after that, where they go? We have to help students of Madrasah, we will teach them skills training for their livelihood”, sabi pa ni Mamondiong.
Napag-alaman na ang pasok sa Madrasah Schools ay tuwing Sabado at Linggo lamang kaya’t gagamitin ng TESDA ang mga araw ng Lunes hanggang Biyernes upang makapagturo ng skills training sa mga graduates at estudiyante ng nasabing paaralan.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng imbentaryo ang TESDA sa lahat ng Madrasah Schools upang mapagtulungang maisakatuparan ang paglalagay ng skills training sa mga paaralan sa buong bansa na nagtuturo ng Arabic at Islamic studies.
Nakahanda rin ang TESDA na magbigay ng tool kit at equipment na magagamit ng mga kukuha ng skills training sa mga Madrasah Schools kung saan ay tinatayang aabot sa 30,000 ang posibleng makapagpatala kada taon.
Ipinaliwanag pa ni Mamondiong na isa sa dahilan kung bakit nagiging rebelde ang isang tao ay dahil sa kahirapan at wala itong sapat na skills training at sa pamamagitan ng proyektong ito ay mailalayo ang mga kabataan partikular na sa Mindanao na mapabilang sa mga extremist na grupo.
“If they do not have any skills for a livelihood and then their families are hungry, they may resort to extremism. This is a skills program to address that. Without peace, there is no real national development”, dagdag pa ni Mamondiong. ###
PRESS RELEASE February 22, 2017
From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Ref: Public Information Unit (PIU)
Tel. No. 8323781
TESDA TO GIVE TRAINING TO MADRASAH GRADUATES
The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) is set to give skills training to students of Madrasah schools or Arabic schools nationwide.
TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong said in a meeting with officials of the Madrasah Schools nationwide that TESDA is ready to give skills training in their technical-vocational courses which they could use for employment here and abroad.
Up to 400,000 graduates of Madrasah Schools are not earning well so they decided to provide them skills training and receive National Certificates, Mamondiong said.
“In the Madrasah school system, the students are taught mainly Arabic and Islamic studies but after that, where they go? We have to help students of Madrasah, we will teach them skills training for their livelihood,” he said.
Students of Madrasah schools go to their classes only on weekends to study Arabic and Islamic studies. TESDA then has decided to teach the students Monday to Friday.
Mamondiong said that TESDA has started to conduct an inventory of Madrasah schools to prepare for the training nationwide.
TESDA will provide the tool kit and equipment for the training in Madrasah schools where some 30,000 students could enlist in the program every year, he also said.
Mamondiong stressed the importance of skills training, saying that lack of such knowledge could sometimes lead to extremism.
“If they do not have any skills for a livelihood and then their families are hungry, they may resort to extremism. This is a skills program to address that. Without peace, there is no real national development,” the TESDA chief said. ###