PRESS RELEASE September 6, 2017

PRESS RELEASE                                                               September 6, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

854,520 SA BARANGAY NAGNANAIS MAGKAROON NG SKILLS TRAINING SA TESDA

 

Umabot na sa 854,520 indibidwal mula sa iba’t-ibang barangay sa bansa ang nagnanais na magkaroon ng skills training na ipinagkakaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamamagitan ng programang Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK) o Skills Mapping.

 

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang nasabing bilang ng aplikasyon ay nagmula sa 23,350 barangays na tumugon sa programa ng ahensiya na layuning makapagbigay ng skills training sa lahat ng barangay sa buong bansa partikular na sa mga malalayong lugar.

 

Napag-alaman na ang Pilipinas ay binubuo ng 42,036 barangay kung saan ay mahigit na sa kalahati ng mga ito ang tumutugon sa programa ng TESDA para sa skills mapping at inaasahan na sa 2018 ay lulubo pa ang bilang ng mga aplikasyon sa 200%.

 

Mula naman sa kabuuang bilang ng mga nagnanais na magkaroon ng skills training sa TESDA na nanggaling sa mga barangay sa buong bansa ay umabot na sa 515,457 sa mga ito ang naiproseso na para sa skills mapping.

 

“As we want to make sure that everybody who wants to have skills training is given the opportunity, we have adopted two other modes of scholarship availment to democratize access to TESDA’s program and services such as online application and walk-in application”, sabi pa ni Mamondiong.

 

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 40,662 aplikante mula sa online ang naitala habang 62,363 naman ang mga walk-in applicants at inaasahan pa na patuloy ang pagtaas ng bilang na ito dahil na rin sa isinasagawang skills mapping.

 

Ang skills mapping ay isang paraan kung saan ay inaalam ng TESDA ang skills training na dapat na ipagkaloob sa mga residente ng isang barangay o lugar na siyang magagamit ng mga ito sa pagpapaunlad sa kanilang komunidad. ###

 

PRESS RELEASE                                                                 September 6, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

854,520 BARANGAY RESIDENTS INTETESTED IN TESDA SKILLS TRAINING

 

At least 854,520 individuals from different villages (barangays) nationwide are interested to acquire skills training through the Barangay Kaasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK) program of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 

TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong said that the number of applicants is part of the 23,350 villages that responded to the call of the agency to avail of the free training skills program of the government.

 

With 42,036 villages nationwide, the number of interested applicants is expected to increase by 200 percent in 2018.

 

Application forms of the 515,457 hopefuls in the skills mapping survey are now being processed, he said.

 

“As we want to make sure that everybody who wants to have skills training is given the opportunity, we have adopted two other modes of scholarship availment to democratize access to TESDA’s program and services such as online application and walk-in application,” said Mamondiong.

 

As of now, there are 40,662 online applicants and 62,363 walk-in applicants for the skills training program.

 

The skills mapping survey aims to identify the training skills needed by a specific area. ###

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *