PRESS RELEASE

PRESS RELEASE                                                               February 16, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

TESDA AT NCDA NAGSANIB PUWERSA SA PAGTULONG SA PWDs

Nagsanib puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at National Council on Disability Affairs (NCDA) upang mabigyan ng libreng skills training ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa bansa.

Kahapon (February 15, 2017) ay pormal nang nilagdaan nina TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong at NCDA Executive Director Carmen Reyes-Zubiaga ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang ahensiya na layuning matulungan ang mga PWDs na mabigyan ng skills training.

Ayon kay Mamondiong, sa pamamagitan ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ay mabibigyan ng libreng skills training ang mga PWDs upang magkaroon ang mga ito ng National Certificate (NC) na kanilang magagamit upang magkatrabaho sa loob at labas ng bansa.

“In line with TESDA’s Two-Pronged Strategy on Poverty Reduction, the project aims to provide interventions through skills development by providing access to training to qualified persons with disability for self or wage-employment to uplift their economic status”, sabi pa ni Mamondiong.

Magiging kapaki-pakinabang din ang proyektong ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga PWDs na makakuha ng pagkakakitaan upang bumalik ang tiwala sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paghahanap-buhay depende sa sarili nilang kakayahan.

Bukod kay Mamondiong at Reyes-Zubiaga ay kabilang din sa mga dumalo sa ginanap na MOA signing sina Deputy Director General for TESD Operations Alvin Feliciano, Deputy Director General for Partnerships and Linkages Rebecca Calzado, NCDA Program Management Division Chief Dolores Deang Sotero at iba pang opisyal ng dalawang ahensiya.

Makikipagtulungan din sa proyektong ito ang mga Technical Vocational Education and Training (TVET) institutions na siyang magbibigay ng skills training sa mga PWDs na makakukumpleto ng kinakailangang dokumento upang makinabang sa programang ito. ###

 

PRESS RELEASE                                                                 February 16, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

TESDA, NCDA JOIN FORCES IN HELPING PWDs

 

The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) and the National Council on Disability Affairs (NCDA) have joined forces to give free skills training for persons with disabilities (PWDs) nationwide.

On February 15, TESDA Director General Secretary Guiling “Gene” Mamondiong and NCDA Executive Director Carmen Reyes-Zubiaga formally signed the memorandum of agreement (MOA) that would pave the way for the two agencies to help the PWDs.

Mamondiong said that the skills training is provided for under the Training for Work Scholarship Program (TWSP) so that the PWDs could receive the National Certificate (NC) which is necessary for job application here and abroad.

“In line with TESDA’s Two-Pronged Strategy on Poverty Reduction, the project aims to provide interventions through skills development by providing access to training to qualified persons with disability for self or wage-employment to uplift their economic status,” said Mamondiong.

Aside from Mamondiong and Reyes-Zubiaga, others officials who attended the MOA signing were Deputy Director General for TESD Operations Alvin Feliciano, Deputy Director General for Partnerships and Linkages Rebecca Calzado, and NCDA Program Management Division Chief Dolores Deang Sotero.
Institutions from the Technical Vocational Education and Training (TVET) also promised to help the project in providing skills training for PWDs. ###

 

 

 

 

 

 

PRESS RELEASE                                                               February 15, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

TESDA MAGBIBIGAY NG LIBRENG SKILLS TRAINING SA MEDIA

Magbibigay ng libreng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga miyembro ng National Press Club (NPC) of the Philippines at kanilang mga anak matapos na lagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang partido.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang pagbibigay ng libreng skills training sa mga miyembro ng media at sa kanilang mga anak ay isang paraan upang matulungan ang mga itong magkaroon ng kasanayan sa kanilang mapipiling skills training.

Pinangunahan ni Mamondiong sa panig ng TESDA ang paglagda sa MOA samantalang sa NPC naman ay si President Paul Gutierrez habang naging saksi naman ang iba pang opisyal ng dalawang partido.

“In line with TESDA’s two-pronged strategy on poverty reduction, the project aims to provide interventions through skills development by providing access to training to journalists for self or wage-employment to uplift their economic status”, nakasaad pa sa MOA na pangunahing layunin ng proyektong ito.

Kabilang sa pangunahing obligasyon ng TESDA na nakasaad sa MOA ay ang pagbibigay ng skills training sa lahat ng kuwalipikadong miyembro ng NPC sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP).

Lahat naman ng miyembro ng NPC o kanilang dalawang anak na makakukumpleto ng kinakailangang dokumento ang maaaring makinabang sa proyektong ito base na rin sa nakasaad sa nilagdaang MOA.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga opisyales at miyembro ng NPC sa inisyatibong ito ni Mamondiong at ni Deputy Director General for TESD Operation Alvin Feliciano dahil malaki ang maitutulong nito sa pamilya ng mga mamamahayag.

“The NPC extends its sincerest gratitude to TESDA, especially to Director General, Guiling Mamondiong and to our colleague DDG Alvin Feliciano for opening this window of opportunity to the members of the press and their families. This MOA would act as an inspiration to its hundreds of beneficiaries for a better future ahead of them as any holder of TESDA certificate of skills training has a greater chance of finding work not only here but also abroad”, sabi pa ni NPC President Gutierrez sa kanyang ipinadalang mensahe. ###

 

PRESS RELEASE                                                               February 15, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

TESDA TO GIVE FREE SKILLS TRAINING TO MEDIA

 The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) will give free skills training for qualified members of the National Press Club of the Philippines (or the NPC) and their dependents following the signing of an agreement between the two parties.

TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong and NPC President Paul Gutierrez led the signing of the memorandum of agreement (MOA), which is “in line with TESDA’s two-pronged strategy on poverty reduction” and “aims to provide interventions through skills development by providing access to training to journalists for self or wage-employment to uplift their economic status”.

Mamondiong said that the courses under the skills training are part of the Agency’s Training for Work Scholarship Program (TWSP).

All bonafide and qualified members of the NPC or any two of their children may avail of the skills training program for the press.

Officials and members of the NPC thanked TESDA for the skills training program as initiated by Mamondiong and Deputy Director General for TESD Operations Alvin Feliciano.

“The NPC extends its sincerest gratitude to TESDA, especially to Director General Guiling Mamondiong and to our colleague DDG Alvin Feliciano for opening this window of opportunity to the members of the press and their families.  This MOA would act as an inspiration to its hundreds of beneficiaries for a better future ahead of them as any holder of a TESDA certificate has a greater chance of finding work not only here but also abroad,” NPC President Gutierrez said. ###

 

 

 

 

 

 

 

PRESS RELEASE                                                                  February 13, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

TESDA MAKIKIPAGTULUNGAN SA MADRASAH SCHOOL PARA SA TECHVOC

 

Nakahandang makipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Madrasah School upang makapagturo ng skills training o technical-vocational courses nang sa gayon ay mabigyan ng sapat na kasanayan ang mga estudiyanteng nag-aaral sa naturang paaralan.

 

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, naatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pinamumunuang ahensiya upang gawing skills training centers ang Madrasah School upang makapagbigay ng skills training sa mga mag-aaral.

 

“In the Madrasah school system, the students are taught mainly Arabic and Islamic studies but after that, where they go? We have to help students of Madrasah, we will teach them skills training for their livelihood”, sabi pa ni Mamondiong.

 

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng national certificate (NC) mula sa TESDA ang mga makapagtatapos ng kahit na anong skills training na magagamit ng mga estudiyante sa kanilang paghahanap ng maayos na pagkakakitaan.

 

Ipinaliwanag pa ni Mamondiong na ang isa sa dahilan kung bakit nagiging rebelde ang isang tao ay sa dahil sa kahirapan at wala itong sapat na skills training.

 

Sinabi pa ni Mamondiong na sa pamamagitan ng proyektong ito ay mailalayo ang mga kabataan na mapabilang sa mga rebelde at extremist na grupo.

 

“If they do not have any skills for a livelihood and then their families are hungry, they may resort to extremism. This is a skills program to address that. Without peace, there is no real national development”, dagdag pa ng TESDA secretary na patuloy na nakikipag-usap sa iba’t-ibang grupo para sa proyektong ito.

 

Napag-alaman pa na ang pasok sa Madrasah ay tuwing Sabado at Linggo lamang kaya’t gagamitin ng TESDA ang mga araw ng Lunes hanggang Biyernes upang makapagturo ng skills training sa mga mag-aaral.

 

Bukod dito, umaabot lamang sa P2,000 kada buwan ang kinikita ng mga nakapagtatapos sa Madrasah School at sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training sa mga ito ay mas madaragdagan ang kanilang kinikita para sa maayos na kabuhayan. ###

 

 

 

 

 

 

PRESS RELEASE                                                                  February 13, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

TESDA TO TEACH SKILLS TRAINING IN MADRASAH SCHOOL

 

President Rodrigo Duterte has ordered Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Secretary Guiling “Gene” Mamondiong to teach skills training or technical-vocational courses among students of Madrasah School.

 

Madrasah, the Arabic name for school, is a community-based and community-managed school whose teachings are based on the Qur’an.

 

“In the Madrasah school system, the students are taught mainly Arabic and Islamic studies but after that, where they go? We have to help students of Madrasah, we will teach them skills training for their livelihood,” said Mamondiiong.

 

The TESDA chief said that students who will complete the training from various courses will receive the national certificate (NC) from the Agency.

 

Mamondiong stressed the importance of skills training, saying that lack of such knowledge could sometimes lead to extremism.

 

“If they do not have any skills for a livelihood and then their families are hungry, they may resort to extremism. This is a skills program to address that. Without peace, there is no real national development,” he added.

 

Students of Madrasah School go to their classes on weekends. Mamondiong however said that the TESDA skills training at Madarasah School will be scheduled Monday to Friday.

 

Graduates of Madrasah usually earn up to P2,000 every month.  “But if they have completed their skills training based on their chosen course, then they could earn more,” said Mamondiong. ###.

 

 

 

 

 

 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published.