Starter toolkits sa 23 scholars na nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II sa TGI Technical School sa Baliuag, Bulacan
Ipinamahagi ng TESDA Bulacan ang mga starter toolkits sa 23 scholars na nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II sa TGI Technical School sa Baliuag, Bulacan noong June 30, 2023. Ang mga toolkits ay bahagi ng mga benepisyo sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP), isa sa mga iba’t-ibang uri ng scholarship programs ng TESDA na naglalayong i-address ang espesipikong kakayahan na kailangan ng mga komunidad at nagpopromote ng employment.
Kasama sa nasabing pamamahagi si Cong. Tina “Ditse” Pancho ng ikalawang Distrito ng Bulacan. Nagbigay rin ng karagdagang starter kit na asukal at harina si Cong. Pancho sa mga scholars upang agarang magamit ang oven at iba pang kagamitan sa baking na kanilang natanggap.
Samantala, sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PD Gerty Pagaran ang malaking tulong mula sa pinagsanib na skills training at toolkits na magbibigay daan para sa mga iskolar na magkaroon ng trabaho o makapagsimula ng negosyo o livelihood.