TESDA, PCA to train 2,000 construction supervisors

News Release

Public Information Unit

TESDA

July 30 2018

 

TESDA, PCA to train 2,000 construction supervisors

 

The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) and the Philippine Constructors Association (PCA), Inc. have joined forces to train some 2,000 construction supervisors under the Training for Work Scholarship Program (TWSP) in support of the “Build, Build, Build” program  of President Rodrigo Duterte.

This is contained in the memorandum of agreement (MOA) signed by TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong and PCA President Engr.  Mariano S. Agoncillo during simple ceremonies held at the TESDA Central Office in Taguig City last July 20.

Mamondiong said that the MOA is part of the assistance for the two groups which aims to push the “Build Build Build” program of the government and establish the public-private partnership that will aid the limited resources of the government in public service.

TESDA will enforce the training for work scholarship program in support of the construction supervisor development program while the PCA will help uplift the skills and capacity of the construction supervisors.

Mamondiong said that the primary goal of the partnership is to create qualified, globally competitive, and job-ready construction supervisors and assistant construction supervisors needed by the construction industry.

Under the agreement, PCA will hire construction supervisors and assistant construction supervisors under the on-the-job training and will be given funds for the training program.

On the other hand, TESDA will allot some P30 million for the training of some 2,000 construction supervisors who will be trained by training provider registered under the agency’s programs related to construction sector which is among the approved Qualification Map. This year, some 150 construction supervisors will be trained.

Mamondiong also said that the release of funds is in compliance with the Ominibus Guidelines for 2018 TWSP and Special Training for Employment (STEP) contained in the TESDA Circular No.3 series of 2018 issued on January 25, 2018.

To ensure the lasting partnership and continuous development of highly-trained construction supervisors, both PCA and TESDA will get training centers under the “quality-assured systems on program registration” of TESDA

It was also agreed upon that 70 percent of the graduates will be given jobs in six months up to one year from the time they graduate.

Witnesses at the signing of agreement between TESDA and PCA were Rosanna A. Urdaneta, Deputy Director General for Policies and Planning of TESDA and Ibarra G. Paulino, executive director, PCA.

The training program for the construction supervisors is formed by PCA following a meeting with Mamondiong in which they vowed to support the “Build, Build Build” program.

In June 2017, the National Economic Development Authority (NEDA) Board Committee on Infrastructure (INFRACOM) and Investment Coordination Committee (ICC) announced the 75 infrastructure flagship projects of the Duterte administration. It needs some 200,000 skilled workers/laborers.

In response to the “Build, Build, Build” program, TESDA will enforce the Train to Build Build Build Project through the Construction cum Training model and other special training arrangements in the construction industry

 

News Release

Public Information Unit

TESDA

July 30 2018

 

2,000 construction supervisors sasanayin ng TESDA at PCA

Nagsanib-puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Philippine Constructors Association (PCA), Inc. para magsanay  ng 2,000 construction supervisors sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program bilang suporta sa Build, Build, Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pagtutulungan ay nakapaloob sa  memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan  nina TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong at PCA President Engr. Mariano S. Agoncillo.  Ang paglalagda ay ginanap sa tanggapan ng TESDA chief sa Central Office ng ahensya sa Taguig City nitong ika 20 ng Hulyo.

Ayon kay Mamondiong, ang kasunduan ay bahagi nang  pagtutulungan ng TESDA at PCA upang isulong ang Build Build Build Program ng kasalukuyang administrasyon at pagtatag ng Public-Private Partnership para suportahan ang limitadong resources ng gobyerno at pagbabahaginan ng kadalubhasaan sa paghahatid ng serbisyo sa publiko tungo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Aniya, maglalaan ang TESDA ng pondo sa ilalim ng TWSP bilang suporta sa construction supervisor development program habang tutulong ang  PCA para mapaunlad ang kakayahan at kapasidad ng mga construction supervisors sa nasabing industriya.

Ipinaliwanag  ng opisyal, na ang pangunahing layunin ng partnership ay upang bumuo ng grupo ng mga kwalipikado, globally competitive, at job-ready construction supervisors at assistant construction supervisors na kakailanganin ng mga construction industry.

Alinsunod sa MOA, ang PCA ay magbibigay ng paunang bilang ng mga construction supervisor at assistant construction supervisors na sasailalim sa on-the-job training at pondong gagamitin  para sa training program.

Sa panig ng TESDA, maglalaan ito ng P30 milyon para sa paunang pagpapatupad  ng  programa para sa 2,000 construction supervisors na sasanayin ng  mga training providers na may TESDA registered programs kaugnay sa construction sector na kasama sa aprubadong Qualification Map. Ngayong taon, 150 construction supervisors ang sasanayin.

Tiniyak ni Mamondiong na ang pagpapalabas ng pondo ay alinsunod sa Ominibus Guidelines for 2018 TWSP at Special Training for Employment (STEP) na nakapaloob sa TESDA Circular No.3 series of 2018 na ipinalabas n noong Enero 25, 2018.

Upang  matiyak na mapanatili ang partnership at tuloy-tuloy na pag-develop ng mga highly trained construction supervisors, ang PCA at TESDA ay kukuha ng ibang training centers sa ilalim ng ‘quality-assured systems on program registration’ ng  TESDA.

Nagpagkasunduan din na 70% sa mga graduates ay mabigyan ng trabaho sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon mula nang magtapos ang mga scholars.

Ang mga saksi sa paglalagda ay sina  Rosanna A. Urdaneta, Deputy Director General for Policies and Planning ng  TESDA at Ibarra G. Paulino, executive director ng PCA.

Ang training program para sa  mga construction supervisors ay binuo ng PCA natapos nilang makipagpulong kay Mamodiong  at tinalakay  nila ang kinakailangang suporta sa  Build, Build Build Program ni Duterte noong nakalipas na taon.

Matatandaan na noong June 2017, inihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) Board Committee on Infrastructure (INFRACOM) at Investment Coordination Committee (ICC) ang 75 infrastructure projects bilang flagship project ng kasalukuyang administrasyon.

 

Ito ay mangangailangan ng mahigit 200,000 trabahador na kinabibilangan ng mga skilled workers/laborers kung saan kailangan ang tulong ng TESDA.

 

Bilang tugon sa BBB Program, ang ahensya ay magpapatupad ng Train to Build Build Build Project sa pamamagitan ng Construction cum Training model at iba pang special training arrangements sa construction industry. (End)

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *