TESDA ,Pilipino Mirror magtutulungan

News Release                                          January 26, 2018

From : Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref : Public Information Unit (PIU)

Tel. No. : 8323781

 

TESDA ,Pilipino Mirror magtutulungan

Nakipagkasundo  ang  Technical Education and Skills and DevelopmentAuthority  (TESDA) sa  isang media  group   upang   malinaw   at higit pang mapalawak ang pagpapakalat ng mga  impormasyon sa publiko  ang mga  bagong programa at   serbisyo ng  ahensya.

Ito ay sa pamamagitan ng  nilagdaang memorandum of  agreement (MOA) sa pagitan ng  TESDA at   Filipino Mirror Media Group Corporation (FMMGC) kahapon.

Ang MOA ay nilagdaan nina TESDA Secretary  Guiling “Gene” A. Mamondiong  at  Marvin N. Estigoy ,VP Advertising Sales ng FMMGC na sinaksihan na sinaksihan nina  G. Alvin S. Feliciano, TESDA deputy director general  at Jocelyn L. Siddayao, general manager ng FMMGC  ng nasabing media group.

Sa kanyang mensahe sa signing ceremony, sinabi ni Mamondiong na mahalaga ang papel at gawain ng  media  upang maiparating at maipakalat   sa mga tao ang mga gawain at accomplishment ng gobyerno.

Aniya, kahit anong ganda ng mga ginagawa at programa ng  gobyerno, hindi  ito maiparating sa publiko    kung walang tulong ang media.

Nagpasalamat naman  si   Estigoy   sa nasabing kasunduan dahil Malaki ang maitutulong nito  upang makarating sa  kanilang mga readers particular yaong  mga gustong magnegosyo at matuto sa mga iniaalok na serbisyo at programa ng TESDA.

Ang TESDA ay magkakaroon ng   dalawang kolum na libreng artikulo sa tabloid na Pilipino Mirror na dalawang beses na  lalabas sa loob ng isang lingo sa nasabing pahayagan.  Ito ay tuwing araw ng Martes at Huwebes.

Ang kasunduan ay magtatagal sa loob ng isang taon na opisyal na magsisimula sa Enero 25, 2018.

 

News Release                                                  January 26, 2018

TESDA

From : Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref : Public Information Unit (PIU)

Tel. No. : 8323781

 

TESDA, Pilipino Mirror sign accord for info drive

The Technical Education and Skills and Development Authority (TESDA) and the Filipino Mirror Media Group (FMMG) have signed an agreement which aims at disseminating information to the public on the government agency’s various programs.

The MOA was signed by TESDA Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong and Marvin N. Estigoy, VP Advertising Sales of FMMGC. It was witnessed by Alvin S. Feliciano, TESDA deputy director general and Jocelyn L. Siddayao, general manager of FMMGC.

In his message, Mamondiong cited the role of media in the dissemination of information involving government projects.

The TESDA chief stressed the need and importance of the media in relaying these significant programs which the public may avail of.

In response, Estigoy said that it was an honor for the FMMGC to tie-up with the TESDA and help the people when it comes to public service.

Under the agreement, TESDA will be given free space by Pilipino Mirror twice a week on Tuesdays and Thursdays where they can publish the significant programs of the agency.

The one-year agreement will start on January 25, 2018.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *