PRESS RELEASE August 20, 2017

PRESS RELEASE                                                               August 20, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

IKA-23 TAONG ANIBERSARYO NG TESDA, MAGIGING MAKABULUHAN

 

Inaasahang magiging makabuluhan ang pagdiriwang ng ika-23 taong anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil na rin sa mga nakalinyang programa ng ahensiya para sa araw ng pagkakatatag nito.

 

Magsisimula ang pagdiriwang na may temang “Malasakit at Pagbabago, TESDA, Susi sa Kinabukasan”, sa flag raising ceremony sa umaga ng Martes (Agosto 22) na pangungunahan ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong at susundan ito ng special mass sa hapon.

 

Sa Miyerkules naman ng umaga (Agosto 23) ay magkakaroon ng employees award kung saan ay bibigyan ng pagkilala ang ilang piling empleyado kabilang na dito ang loyalty award, model employees, perfect attendance kasabay din ang pagbati sa mga may kaarawan sa buwan ng Hulyo at Agosto,

 

Bibigyan din ng pagkilala ang mga Local Government Units (LGU), industry partners National Government Agencies (NGA) at iba pang katuwang ng ahensiya sa pamamagitan ng Kabalikat Award habang ang mga matagumpay na TESDA graduates ay pagkakalooban ng Idol ng TESDA Award samantalang ang mga mahuhusay na trainers ay bibigyan naman ng Tagsanay Award.

 

Kasabay nito, ilulunsad naman ng TESDA sa unang pagkakataon ang Best Regional Performance Award sa tatlong mapipiling rehiyon na nagpamalas ng kanilang galing sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa kanilang nasasakupang lugar.

 

Sa darating na Huwebes (Agosto 24) ay magkakaroon ng Health and Wellness Day kung saan ay magbibigay ng offsite physical exam ang Cocolife Healthcare, libreng massage, haircut at iba pang wellness services at flu vaccine para sa mga empleyado.

 

Bibigyan din ng pagkilala ang mga dating Director General, Deputy Director General, Executive Director, Regional Director, Provincial Director at iba pang retirees para sa gaganaping “Vin D Honneur” bilang pagpapasalamat sa mga naitulong ng mga ito sa TESDA sa panahon ng kanilang paninilbihan.

 

Samantala, nagpasalamat naman si Mamondiong sa naging matagumpay na mahigit isang taon nito bilang Director General sa ahensiya dahil na rin sa pakikipagtulungan ng masisipag na empleyado ng TESDA.

 

Napag-alaman na ang TESDA ay nanggaling sa National Manpower and Youth Council (NMYC) at sa pamamagitan ng Republic Act 7796 na mas kilala sa tawag na Technical Education and Skills Development Act of 1994 ay nakilala ang TESDA. ###

 

 

PRESS RELEASE                                                               August 20, 2017

From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Ref: Public Information Unit (PIU)

Tel. No. 8323781

TESDA TO MARK ITS 23rd ANNIVERSARY

 

The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) will celebrate its 23rd anniversary starting Tuesday, August 22, with a series of activities aimed at connecting closer to the public.

 

With the theme “Malasakit at Pagbabago, TESDA, Susi sa Kinabukasan,” TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong will lead the anniversary week with a flag-raising ceremony on Tuesday morning. A Holy Mass will follow in the afternoon.

 

On Wednesday, August 23, an employees award program will be held in the morning to present awards such as loyalty award, model employees, and perfect attendance to TESDA employees. Officials will also greet employees whose have birth anniversaries in July and August.

 

TESDA will also give citation to local government units (LGU), industry partners, national government agencies (NGA) and other partner agencies through the Kabalikat Award.

On the other hand, successful TESDA graduates will be presented the Idol ng TESDA Award while outstanding trainers will receive the Tagsanay Award.

 

TESDA will also launch the Best Regional Performance Award in three regions which will best exemplify public service in their areas of jurisdiction.

 

On Thursday, August 24, the Health and Wellness Day will be held as Cocolife Healthcare gives free offsite physical exam, free massage, haircut and other wellness services, and flu vaccine for the employees.

 

At the “Vin D Honneur,” TESDA will give recognition to the past Director General, Deputy Director General, Executive Director, Regional Director, Provincial Director and other retirees who have left a legacy in the agency during their respective stint.

 

Mamondiong thanked the TESDA employees for the success of the government agency since he became its director general.

 

Formerly known as National Manpower and Youth Council (NMYC), Republic Act 7796 then paved the way for the creation of the Technical Education and Skills Development Act of 1994. ###

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *