PRESS RELEASE – TESDA AT NCIP NAGKAISA SA PAGTULONG SA MGA KATUTUBO
PRESS RELEASE February 28, 2017
From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Ref: Public Information Unit (PIU)
Tel. No. 8323781
TESDA AT NCIP NAGKAISA SA PAGTULONG SA MGA KATUTUBO
Nagsanib puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang mabigyan ng libreng skills training ang mga katutubo sa ating bansa.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang pagbibigay ng skills training sa mga katutubo ay upang mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na magkaroon ng sapat na kasanayan na kanilang magagamit sa paghahanap ng pagkakakitaan.
Kahapon, (February 28, 2017) ay pormal nang nilagdaan ni Mamondiong at ni NCIP Chairperson Leonor Oralde-Quintayo ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa ibibigay ng skills training sa mga katutubo.
Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng National Certificate (NC) at Certificate of Competency (COC) ang mga katutubong nagnanais na makakuha ng skills training habang magiging obligasyon ng TESDA ang pagbibigay sa mga ito ng job referrals.
Kaugnay nito, inatasan na rin ni Mamondiong ang lahat ng provincial at regional directors upang makipag-ugnayan sa mga katutubong naninirahan sa kanilang mga nasasakupang lugar o lalawigan para sa proyektong ito.
Sa pamamagitan din nito ay maihahanda ang mga katutubo upang maging produktibo nang sa gayon ay makatulong ang mga ito sa pagpapaunlad sa kanilang mga lupain na ipinagkaloob ng gobyerno.
Samantala, nagpasalamat naman ang NCIP kay Mamondiong dahil sa pagbibigay nito ng importansiya sa mga katutubo na mabigyan ng skills training na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Bukod kay Mamondiong at Oralde-Quintayo ay dumalo din sa MOA signing si TESDA Deputy Director General for Partnership and Linkages Rebecca Calzado at iba pang opisyal ng dalawang ahensiya. ###
PRESS RELEASE February 28, 2017
From: Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Ref: Public Information Unit (PIU)
Tel. No. 8323781
TESDA, NCIP TO GIVE SKILLS TRAINING TO INDIGENOUS PEOPLES
The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) and the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) have forged a partnership and work together to empower the indigenous peoples (IPs) through technical education and skills development.
TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong said that the training program of IPs is geared toward transforming them into competitive and productive individuals, especially in their respective ancestral domain.
On February 28, Mamondiong and NCIP Chairperson Leonor Oralde-Quintayo signed the memorandum of agreement that will help the IPs for self or wage employment to uplift their economic status.
The project aims to provide National Certificate (NC) and Certificate of Competency (COC) to successful IP-graduates after they have completed their skills training.
Then TESDA will facilitate the job referrals, according to the agreement.
Mamondiong has ordered all provincial and regional directors to coordinate with the IPs in their respective areas to facilitate the conduct of competency assessment in the identified facility to qualified beneficiaries.
The NCIP thanked Mamondiong for giving priority to IPs so that they will develop their ancestral domain into a highly productive community.
Aside from Mamondiong and Oralde-Quintayo, other officials who attended the MOA signing were TESDA Deputy Director General for Partnership and Linkages Rebecca Calzado and other officials of both agencies. ###