TESDA Maintains Top Approval and Trust Ratings for 14 Consecutive Quarters in PAHAYAG 2026 Survey
Number 1 pa rin — 14 quarters strong! ![]()
Sa nakalipas na tatlong taon, nananatiling UNA ang TESDA sa parehong approval at trust ratings—patunay ng tuloy-tuloy, tapat, at dekalidad na serbisyo para sa bawat Pilipino.
Sa ilalim ng malinaw na direksyon at vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., patuloy na pinapalakas ng TESDA ang technical vocational education and training (TVET) bilang susi sa mas maraming oportunidad, mas maayos na hanapbuhay, at mas matatag na ekonomiya.
Sa PAHAYAG 2026 First Quarter Survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia, muling nanguna ang TESDA sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan na may 65% approval rating at 45% trust rating.
Ipinapakita ng milestone na ito ang patuloy na pagsusumikap ng TESDA na maghatid ng makabuluhan at dekalidad na serbisyo—alinsunod sa pambansang adhikain na palakasin ang kakayahan ng bawat Pilipino.
More opportunities. Better quality jobs. Stronger TVET for all.
Maraming salamat, mga ka-TESDA! ![]()

