Pormal na isinalin ni PD Gerty Pagaran ang pamamahala ng TESDA PO Bulacan kay PD Melanie Grace Romero
Noong ika-11 ng Agosto 2023 katuwang ng TESDA Provincial Office-Bulacan si Mr. Edgardo Santiago, presidente ng Bulacan Association of Technical Vocational Schools (BATVS) at ang kanyang mga miyembro para pormal na isalin ni PD Gerty Pagaran ang pamamahala ng TESDA PO Bulacan kay PD Melanie Grace Romero. Kasama ng buong opisina ang Regional Training Center Central Luzon (RTCCL)-Guiguinto, TESDA Korphil IT Training Center Bulacan, at ang Provincial Training Center-Calumpit upang buong-pusong ipahayag ang kanilang suporta kay PD Romero at mag abot ng kanilang pamamaalam at pasasalamat kay PD Pagaran.
Sa pagkakataong ito ng seremonya ng pagpapalitan, taos-pusong nagpahayag ng pasasalamat si PD Pagaran sa bawat kinatawan mula sa TESDA Bulacan, mga TTIs, at TVIs. Habang iniabot niya ang simbolikong susi ng pagpapalitan kay PD Romero, buong pusong tinanggap naman ito ni PD Romero at nagbigay ng kanyang salitang pagtanggap. Sinasabing ang Turnover Ceremony ay nagpapakita ng tradisyonal na Seremonya ng Pagpapasa ng Responsibilidad, kung saan inililipat ng dating director ng lalawigan ang susi na simbolo ng kanyang mga tungkulin sa bagong provincial director ng TESDA Bulacan.
Dumalo rin sa nasabing Turnover Ceremony si RD Jovencio Ferrer ng TESDA NCR, RTC NCR Chief Administrator Gilbert Castro, mga staff ng TESDA Region 3 Regional Office, at ang mga TVIs. Ang ilan sa mga dumalo ng ceremony ay nagbigay din ng kanilang pasasalamat kay PD Pagaran at mainit naman na pagtanggap kay PD Romero.
Muli, isang masigabong pasasalamat at pagbati kay District Director Gerty Pagaran, at malugod na pagtanggap kay PD Melanie Grace Romero sa PO Bulacan!